Enero 23, 2024, sa Mataas na Lebel na Pulong ng United Nations Security Council (UNSC) sa Isyu ng Palestina at Israel, sinabi ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN, na hindi katanggap-tanggap ang paulit-ulit at matinding pagsalungat ng pinuno ng Israel sa "Two-State Solution" noong nakaraang linggo.
Ang "Two-State Solution" aniya ang tanging pangmatagalang lunas sa alitan ng Palestina at Israel, at ang pagsalungat dito ng pinuno ng Israel at pagtanggi sa karapatan ng mga Palestino sa pagtatatag ng estado, ay magdudulot ng hindi matatapos na alitang magiging malaking banta sa kapayapaan at seguridad ng daigdig.
Salin: Li Siyuan
Pulido: Rhio
Ika-3 South Summit, nanawagan na wakasan ang hidwaan ng Israel at Palestina
Pangkalahatang kalihim ng UN, muling nanawagan para sa humanitaryong tigil-putukan sa Gaza
Dapat magsikap para sa komprehensibong paglutas sa isyu ng Palestina – Wang Yi
Magkasanib na pahayag hinggil sa sagupaan ng Palestina at Israel, inilabas ng Tsina’t LAS
Tsina, tumututol sa sapilitang pagpapalipat ng mga sibilyan sa Gaza Strip