MOFA: magkakasamang magsikap para pahupain ang mga tensyon sa Red Sea

2024-01-31 16:37:28  CMG
Share with:

Kaugnay ng pag-atake ng grupong Houthi sa Red Sea, ipinahayag Enero 30, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Red Sea ay isang mahalagang tsanel ng pandaigdigang kalakalan para sa mga kalakal at enerhiya.

 


Hindi ninanais ng Tsina na maging tensiyonado ang sitwasyon sa Red Sea at nanawagan na wakasan ang aksyong panliligalig sa mga barkong sibilyan, at naninindigan na aktuwal na igalang ang soberanya ng mga bansa sa kahabaan ng Red Sea, kabilang na ang Yemen. Nagsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, para pahupain ang mga tensyon sa Red Sea.

 

Sinabi ni Wang na ang ugat ng paglala ng sitwasayon sa Red Sea ay ang alitan sa Gaza. Hinimok ng Tsina ang iba’t ibang kinauukulang panig na aktuwal na isakatuparan ang mga kinauukulang resolusyon ng United Nations Security Council at United Nations General Assembly, at agarang itigil ang putukan at wakasan ang digmaan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil