Mensaheng pambati para sa Araw ng Kalayaan ng Nauru, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina

2024-01-31 15:47:12  CMG
Share with:

Ipinaabot, Enero 31, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay Pangulong David Adeang ng Nauru para sa Ika-56 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Republika ng Nauru.

 

Tinukoy ni Xi na ang relasyong Sino-Nauru ay opisyal nang napanumbalik, at sinimulan ang bagong pahina ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Pinapurihan din ng pangulong Tsino ang pampulitikang desisyon ni Pangulong Adeang na kilalanin ang prinsipyong isang-Tsina.

 

Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyong Sino-Nauru at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Adeang para palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa’t isa, pasulungin ang aktuwal na kooperasyon, paigtingin ang pagpapalitang tao-sa-tao at kultural, upang makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil