Ginanap, Enero 29, 2024 ang seremonya ng muling pagbubukas ng Pasuguan ng Tsina sa Nauru.
Inulit sa seremonya ni Lionel Aingimea, Ministro ng Mga Suliraning Panlabas at Kalakalan ng Nauru, ang buong tatag na paggigiit ng kanyang bansa sa prinsipyong isang-Tsina, at gawing pundamental na patakarang diplomatiko ng bansa ang prinsiyong ito.
Aniya, makaraang mapanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Nauru, mabilis na umuunlad ang kanilang relasyon, at mainitang tinatanggap ito sa loob ng Nauru.
Lubos aniya ng pananabik ang Nauru sa kooperasyon ng kapuwa panig sa hinaharap.
Kaugnay nito, ipinagdiinan Martes ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang muling pagpapataas ng pambansang watawat ng Tsina sa Nauru ay palatandaan ng mabilis na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Muli itong nagpapakita na hindi hinahadlangan ang tunguhin ng paggigiit ng komunidad ng daigdig sa prinsipyong isang-Tsina, aniya.
Diin ni Wang, nakahanda ang panig Tsino na mahigpit na makipagtulungan sa Nauru, pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng bilateral na relasyon, at totohanang pahigpitin ang biyaya ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Ramil