Mga lugar sa buong daigdig, ipinagdiriwang ang Pestibal ng Tagsibol ng Tsina

2024-02-06 16:09:53  CMG
Share with:

Noong Disyembre 22, 2023, nagkakaisang sumang-ayon ang ika-78 Sesyon ng Plenaryo ng United Nations General Assembly na gawing pistang opisyal ang Spring Festival ng United Nations.

 

Sa papalapit na Pebrero 10, Bagong Taong Tsino, Taon ng Dragon, maraming bansa sa buong mundo ang naghahanda at nagdaraos ng iba’t ibang makukulay na pagdiriwang para ipamahagi sa mga tao ang kasiyahan at kapayapaan ng kulturang Tsino sa bagong taon.

 

Sa kasalukuyan, 23 bansa ang ganap ng nagpatupad ng visa exemption sa Tsina, na sumasaklaw sa limang kontinente.

 

Ayon sa inaasahang datos ng National Immigration Administration ng Tsina, ang mga daungan sa buong bansa ay maghahatid at tatanggap ng bagong rurok ng papasok at papalabas na daloy ng pasahero sa panahon ng 2024 Spring Festival, na may karaniwang pang-araw-araw na bilang ng pahintulot ng adwana na aabot sa 1.8 milyon, humigit-kumulang 3.3 beses na pagtaas kumpara sa Spring Festival noong nakaraang taon.

Salin: Xu Nuo