Listahan ng palabas ng 2024 Spring Festival Gala, narito na

2024-02-09 15:53:27  CMG
Share with:

Ang 2024 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG) ay nakatakdang idaos alas-8:00 ngayong gabi (Beijing Time/Manila Time), Pebrero 9, 2024, bisperas ng Bagong Taong Tsino-Taon ng Dragon.

 

Ang Spring Festival Gala, na kilala rin bilang Chunwan sa wikang Tsino ay may mahigit 40 taong kasaysayan sapul nang magsimula itong itanghal noong 1983.

 

Ang gala ay di-mawawalang bahagi ng selebrasyon ng mga mamamayang Tsino sa pagsalubong ng Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year, pinakamakabuluhang kapistahan ng mga Tsino sa apat na sulok ng mundo na nagtatampok sa pagsasalu-salo at pagtitipun-tipon ng pamilya.

 

Mapapanood sa apat na oras na taunang pagtatanghal ang awit, sayaw, dula-dulaan, opera, akrobatika, at iba pa.

 

Tampok din sa gala ang inobasyong panteknolohiya, na gaya ng virtual production (VP), extended reality (XR). Layon nitong makatugon sa kahilingan ng mga manonood ng TV, public screen, outdoor ultra-high-definition screen, at mobile phone.

 

Ang Beijing ay main venue ng 2024 Spring Festival Gala at ang 4 na sub-venue ay matatagpuan sa mga lunsod na Shenyang, Xi'an, Kashgar, at Changsha.

 

Narito ang listahan ng mga palabas ng 2024 Spring Festival Gala.


 

Salin/Edit: Jade

Pulido: Ram