Kita sa takilya sa panahon ng Pestibal ng Tagsibol, lumampas ng $280 milyon

2024-02-12 17:25:30  CMG
Share with:

Sa panahon ng 2024 Spring Festival, karamihan sa mga sinehan ay nagpalabas ng hindi bababa sa 9 na pelikula na may elemento ng komedya para pasayahin ang mga manonood, na nasa kanilang Spring Festival break.

 


Ayon sa Lighthouse, isang box office tracker, sa panahon ng Pestibal ng Tagsibol, hanggang sa Linggo, kabilang ang mga pre-sold ticket, lumampas sa 2 bilyong yuan ($280 million) ang kita sa takilya ng Tsina.

 

Sa Sabado lamang, kumita ang mga sinehan ng 1.36 bilyong yuan, bahagyang lumampas sa parehong panahon noong nakaraang taon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil