Red carpet at opening ceremony ng ika-13 Beijing International Film Festival (BJIFF), idinaos, Abril 21, 2023, sa Beijing Yanqi Lake International Convention & Exhibition Center, distrito ng Huairou, Lunsod Beijing.
Mahigit 200 Tsino at mga foreign guest ang nagtipon-tipon para ipahayag ang kanilang pagpapahalaga sa mga gumagawa ng pelikula, mga alaala ng mga panahon, pasasalamat sa mga manonood at mga aasahan sa hinaharap.
Ayon sa mga organizer ng pestibal, ito ay tatakbo sa siyam na seksyon kabilang ang isang feature competition at may kasama itong 160 film titles. Isang huradong pinamumunuan ni Zhang Yimou ang tutukoy sa mga premyo ng Tiantan.
Iniulat ng state media na ang kumpetisyon ay magsasama ng 15 titles, kabilang ang ang "Adios Buenos Aires," "Driving Madeleine," "Scrapper" at "To Catch a Killer."
Movie poster ng Beijing 2022
Bukod dito, nagsilbing pambungad na pelikula ng ika-13 BJIFF at world premiere sa pestibal ang "Beijing 2022," opisyal na pelikula ng Beijing Winter Olympics, na pinangangasiwaan ni Zhang Yimou at kilalang narrative at documentary filmmaker na si Lu Chuan.
Movie cast ng Beijing 2022 sa direksyon ni Lu Chuan
Kasama si Lu Chuan bilang direktor at beteranong direktor na si Zhang Yimou bilang executive producer, kinukunan ng pelikula ang mga tiyak na sandali ng 2022 Beijing Winter Games, kabilang ang mga hindi malilimutang gabi ng Pebrero 4, 2022, kung kailan sinindihan ng mga paputok ang kalangitan ng dalawahang Olympic city para sa opening ceremony.
Ang susunod na 16 na araw, nasaksihan ng mga Tsino, kasama ng mga tao mula sa buong mundo, ang isang kamangha-manghang kaganapan na mawawala sa kasaysayan.
Movie poster ng Ilo Ilo
Sa parehong araw ng pestibal, bumida naman sa Megabox, Sanlitun, isang sinehan sa distrito ng Chaoyang, Lunsod Beijing ang ang pelikulang Ilo Ilo o Mom and Dad Are Not Home, isang drama film, sa direksyon ni Anthony Chen mula Singapore, bilang kanyang debut feature film noong 2013 at unang inilabas sa Tsina noong 2015.
Naka-set ang pelikula sa Singapore noong 1997 Asian financial crisis at nakesentro sa pamilyang Lim habang sila ay nag-a-adujust sa kanilang bagong hire na Pinay domestic helper na si Teresa, na tulad ng maraming ibang Pinay, ay pumunta sa Singapore para maghanap ng mas magandang buhay.
Ang ama, si Teck, ay nagtatrabaho sa sales para sa isang glass company, ang buntis na ina, si Hwee Leng, ay nagtatrabaho bilang isang sekretarya sa isang kumpanya ng shipping company na nagdodownsizing at ang sampung taong gulang na anak na lalaki, si Jiale, ay isang problemadong delingkuwente.
Binubuo ito ng international cast, kabilang ang Singaporean actor Chen Tianwen, Malaysian actress Yeo Yann Yann, Filipino actress Angeli Bayani at debut ng child actor Koh Jia Ler.
Ito ay nag-premiere sa 2013 Cannes Film Festival bilang bahagi ng Director's Fortnight noong Mayo 19, 2013 at tumanggap ng Caméra d'Or award, kung saan ito ang naging kauna-unahang Singaporean feature film na nanalo sa Cannes Film Festival.
Samantala, patuloy na gagampanan ng "Online BJIFF" ang papel nito sa screening, pakikipag-ugnayan, video-on-demand, at market, kung saan ang "Online Screenings," "Online Video-on-Demand," at iba pang mga function ay ie-enable sa iQIYI platform.
Ulat/Larawan: Ramil Santos