Tsina, walang humpay na pabubutihin ang kapaligirang pangkaunlaran ng pribadong ekonomiya

2024-02-12 17:19:18  CMG
Share with:

Kamakailan, napag-alaman ng mamamahayag mula sa Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma (NDRC) ng Tsina, na magpupunyagi ang NDRC, kasama ng iba’t ibang kinauukulang panig, para isagawa ang mas maraming pragmatikong hakbangin upang walang humpay na pabutihin ang kapaligirang pangkaunlaran ng pribadong kompanya, epektibong malutas ang problema ng pag-unlad ng pribadong ekonomiya, at pasiglahin ang kumpiyansa ng mga pribadong kompanya.

 

Sinabi kamakailan ni Yuan Da, opisyal ng NDRC, na dapat isulong ang pagsasakatuparan ng iba’t ibang hakbangin para sa pagpapasulong ng pribadong ekonomiya, pabutihin ang mekanismo ng pagpapalabas ng impormasyon sa pribadong ekonomiya, dagdagan ang mga pagsusumikap sa pagpapasulong ng proyekto, hikayatin at akitin ang mas maraming pribadong puhunan na lumahok sa mga mahalagang proyekto ng bansa.

 

Aniya, kailangan ding pabutihin ang mekanismo ng regular na komunikasyon sa mga pribadong negosyante sa iba’t-ibang lebel at mapaginhawa ang komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga negosyante.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil