Inilabas ngayong araw, Hulyo 24, 2023, ng National Development and Reform Commission (NDRC), kataas-taasang tagaplanong pangkabuhayan ng Tsina, ang mga detalyadong hakbangin tungkol sa ibayo pang pagpapasigla ng pribadong pamumuhunan, para ibangon ang pribadong kabuhayan.
Ayon sa dokumento kung saan inilakip ang naturang mga hakbangin, partikular na irerekomenda ng NDRC na pumunta ang pribadong pamumuhunan sa ilang napiling sektor ng industriya na may malaking potensyal sa merkado at naaayon sa mga pambansang estratehiya at patakarang pang-industriya.
Kabilang sa naturang mga sektor ay transportasyon, patubig, malinis na enerhiya, bagong imprastraktura, sulong na manupaktura, at modernong pasilidad na pang-agrikultura.
Ang isang katalogo ng mga inirerekumendang proyekto para sa pamumuhunan ay gagawin, at isang plataporma ang itatatag upang ipakilala ang mga naturang proyekto sa mga pribadong mamumuhunan, dagdag ng NDRC.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos