230m lakbay ng mga pasahero sa daambakal, isinagawa sa unang hati ng 2024 Spring Festival travel rush sa Tsina

2024-02-16 17:20:10  CMG
Share with:

 

Ayon sa ulat ngayong araw, Pebrero 16, 2024, ng China State Railway Group Co., Ltd., inihatid kahapon ng railway network sa buong bansa ang mahigit 15.1 milyong pasahero, at ligtas at maayos ang transportasyon.

 

Ang bilang na ito ay pinakamalaking bilang ng mga pasahero sa pamamagitan ng daambakal sa loob ng isang araw sa kasayayan ng Spring Festival travel rush.

 

Tinaya ng naturang kompanya, na habang lumalapit sa katapusan ng walong araw na bakasyon ng Spring Festival sa darating na Sabado, lalaki pa ang bilang ng mga pasahero, at aabot sa 15.3 milyon ngayong araw.

 

Ayon pa rin sa estadistika, mula Enero 26 hanggang Pebrero 14, unang hati ng kasalukuyang 40 araw na Spring Festival travel rush, isinagawa ang 230 milyong lakbay ng mga pasahero sa pamamagitan ng daambakal sa Tsina.


Editor: Liu Kai