Mas maraming Tsino, umuwi sa bahay para sa Spring Festival sa 2024

2024-02-10 18:04:22  CMG
Share with:

 

Ang Spring Festival ay kapistahan kung kalian umuwi ang mga Tsino sa bahay para sa pagtitipun-tipon ng pamilya. Sa taong ito, lumaki pa ang bilang ng mga taong umuwi.

 

Ayon sa big data analysis ng China Mobile, telecommunications operator ng bansa, sa taong ito, ang bilang ng mga tao sa Tsina na bumalik sa kani-kanilang lalawigan ay mas malaki ng 23% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

 

Ayon pa rin sa data, 509 na kilometro ang karaniwang layo ng biyahe pauwi ng mga Tsino sa kasalukuyang Spring Festival.

 

Samantala, dahil kahapon, Pebrero 9, 2024, ay bisperas ng Spring Festival, at umuwi na ang karamihan sa mga tao, ipinakikita ng data ng official ticketing platform ng China Railway, na ang bilang ng mga pasahero na naglakbay kahapon sa pamamagitan ng daambakal ay bumaba ng halos 40% kumpara sa tinalikdang araw.

 

Noong Pebrero 8, ang bilang na ito ay 12.9 milyon, at nanatili sa mataas na lebel sa kasaysayan.


Editor: Liu Kai