Tawid-hanggahang biyahe ng mga Tsino sa Pestibal ng Tagsibol, katumbas ng 90% bago magpandemiya

2024-02-18 16:33:34  CMG
Share with:


Ayon sa Pambansang Administrasyon ng Imigrasyon ng Tsina, Pebrero 18, 2024, umabot sa higit 13.5 milyon ang mga tawid-hanggahang biyahe ng mga Tsino sa katatapos na bakasyon ng Pestibal ng Tagsibol, o Bagong Taong Tsino.

 

Ito ay katumbas ng halos 90% ng mga biyahe noong 2019, bago sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 sa buong mundo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio