Talo-talo ay hindi rasyonal na opsyon, win-win ang kinabukasan ng sangkatauhan - Ministrong Panlabas ng Tsina

2024-02-20 14:33:20  CMG
Share with:

Nanawagan, Pebrero 18, 2024 (lokal na oras) si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ng mga pagsisikap para maiwasan ang "talo-talo na dinamika" sa mga komento sa Munich Security Report 2024. 

 

Sinabi ni Wang na ang talo-talo ay hindi isang rasyonal na opsyon at win-win ang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Makikita sa inilabas na taunang report, bago ang Munich Security Conference (MSC), ang alalahanin sa “talo-talo na dinamika" sa gitna ng lumalaking tensyong heopulitikal at tumataas na walang katiyakan sa ekonomiya.

 

Ani Wang, ipinakita nito ang repleksyon at alalahanin ng Europa sa situwasyon ng daigdig.

 

Pinaniniwalaan aniya ng panig Tsino na ang "talo-talo na dinamika " ay ibinubunsod ng mga paniniwalang zero-sum, decoupling at camp confrontation.

 

Dapat tayo magtulungan, isaalang-alang ang interes ng iba habang pinangangalagaan ang sariling interes, pasulungin ang komong pag-unlad habang itinataguyod ang sariling pag-unlad, para maisakatuparan ang win-win na resulta, dagdag niya.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil