Matapos magtalumpati, Pebrero 17, 2024 (lokal na oras) sa sesyong tinaguriang "China in the World" sa Ika-60 Munich Security Conference (MSC), ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na dapat ding suportahan ng mga naniniwala sa prinsipyong isang-Tsina ang mapayapang reunipikasyon.
Aniya, ang Taiwan ay bahagi ng Tsina, at ito ay nakatakda sa “Cairo Declaration” noong 1943 at “Potsdam Proclamation” noong 1945.
Malinaw na inilalarawan ng nasabing mga dokumento, na ang Taiwan ay isang probinsya ng Tsina, diin pa niya.
Ayon kay Wang, alinsunod sa katotohanan, ang isyu ng Taiwan ay usaping panloob ng Tsina.
Ang Taiwan ay hindi kailanman naging o magiging isang bansa, at ito ay isang pangunahing pangkasaysayang katotohanan at komong palagay ng komunidad ng daigdig, diin niya.
Sinabi pa ni Wang, na bilang isang hindi pa nalulutas na isyung naiwan ng digmaang sibil ng Tsina, ang Taiwan ay babalik sa yakap ng inang bayan sa kalaunan.
Ang mga bansa aniyang sumusuporta sa prinsipyong isang-Tsina ay dapat ding manindigan sa mapayapang reunipikasyon, at tumutol sa “pagsasarili ng Taiwan,” para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio
Pagpapatalsik ng rehiyong Taiwan sa bangkang pangisda ng mainland, kinondena
Anumang probokasyon sa isyu ng Taiwan, tiyak na tatapatan ng ganti – Ministring Panlabas ng Tsina
Posisyon ng Tsina sa halalan sa rehiyong Taiwan, inihayag ng MOFA
Solemnang paninindigan ng Tsina sa kalagayan ng Taiwan, inilahad
Tsina sa Pilipinas: itigil ang maling pananalita at aksyon sa isyu ng Taiwan