Inihayag, Pebrero 21, 2024, ni Zhu Fenglian, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, na dahil sa brutal na pagtrato ng awtoridad ng Taiwan sa bapor-pangisda ng Chinese mainland noong Pebrero 14, dalawang mangingisda ang namatay.
Sa kabila nito, ikinukubli pa aniya ng kinauukulang departamento ng Taiwan ang maling gawain at katotohanan.
Mahigpit na kinondena ni Zhu ang brutal na pagtrato ng Taiwan sa mga mangingisda ng Chinese mainland, at pananalita’t aksyon nito pagkatapos ng insidente.
Solemna rin niyang hiniling sa Taiwan na agarang isapubliko ang katotohanan at parusahan ang mga may responsibilidad.
Dapat tugunan ang makatuwirang kahilingan ng mga pamiliya ng biktima, at humingi ng tawad sa kanila, dagdag ni Zhu.
Saad pa niya, matatag na pangangalagaan ng Tsina ang lehitimong karapatan ng mga kababayan, at hindi pahihintulutan ang muling pagkaganap ng katulad na insidente.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio