Tsina, nakikiramay sa Pilipinas kaugnay ng malaking kasuwalti sa landslide sa Davao de Oro

2024-02-23 21:53:30  CMG
Share with:

Ipinadala kamakailan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Enrique Manalo, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang mensahe ng pakikiramay kaugnay ng malaking kasuwalti sa landslide sa lalawigang Davao de Oro, na naganap noong Pebrero 6.

 

Ani Wang, ikinalulungkot ng Tsina ang pagkaganap ng naturang landslide na nagdulot ng malaking kasuwalti at kapinsala sa ari-arian.

 

Ipinahayag niya ang pakikidalamhati sa mga nabiktima, at pakikiramay sa kani-kanilang pamilya at mga nasugatan.

 

Ayon naman sa ulat ng Philippine media, pagkaraan ng 15 araw na operasyon ng paghahanap na natapos Pebrero 22, narekober ang 98 bangkay, at walong katao naman ang nawawala.


Editor: Liu Kai