Kalidad ng ekonomiya at inobasyon, sumulong: modernisasyong Tsino, ini-promote

2024-02-26 17:50:30  CMG
Share with:

Ayon sa sarbey na isinagawa ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University ng Tsina sa pamamagitan ng New Era Institute of International Communication, 87.1% ng mga respondiyente sa buong mundo ang nagpapahalaga sa pagsisikap ng Tsina sa pagpapasulong ng kalidad ng ekonomiya, sa pamamagitan ng siyentipiko’t teknolohikal na inobasyon.

 

Naniniwala sila, na makakatulong ang produktibidad sa pagpapabilis at pagpapabuti sa proseso ng moderanisasyong Tsino.

 

Sa kabilang dako, pinapurihan naman ng 93.2% ng mga respondiyente ang malakas na siyentipiko’t teknolohikal na kakayahan ng bansa, at naniniwala ang 84.9% na pakikinabangan ng internasyonal na komunidad ang siyentipiko’t teknolohikal na bungang nakamtan ng Tsina.

 

Dagdag pa riyan, pinahahalagahan ng 85.4% ng mga respondiyente ang napakalaking pamumuhunan at determinasyon ng Tsina sa pagsusulong ng independiyenteng inobasyon.

 



Ayon sa sarbey, pinuri ng 91.9% ang praktika ng Tsina sa paggalang at pangangalaga sa kalikasan, sa proseso ng modernisasyon, at pagsisikap ng bansa sa pagtatayo ng may harmonyang pakikipamuyahan sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan.

 

Opitimistiko ang 59.7% sa prospek ng dekalidad na pag-unlad ng Tsina, at naniniwala silang ang kalikasan ng Tsina ay magiging mas mabuti, at magkakaroon ng harmonyang pang-ekonomiya at panlipunang pag-unlad.

 

Kasali sa nasabing sarbey ang 11,180 respondiyente, na kinabibilangan ng mga indibiduwal mula sa mga maunlad na bansang gaya ng Amerika, Britanya, Pransya, Espanya at Australia, at mga umuunlad na bansang gaya ng Brazil, Thailand, United Arab Emirates, Ehipto, Timog Aprika at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio