Kabuhayang Tsino, bumangon sa simula ng bagong taon

2024-02-26 15:26:06  CMG
Share with:

Ayon sa isang poll na isinagawa ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University ng Tsina sa pamamagitan ng New Era Institute of International Communication, 93.1% ng mga global respondent ang pumuri sa kakayahang bumangon at potensyal ng kabuhayang Tsino.

 

Dagdag pa nito, 80.3% ng mga respondiyente ang hanga sa malakas na pundasyong pang-ekonomiya ng Tsina, at may kompiyansa sila sa kakayahan ng bansa upang pigilan ang mga panganib.

 

Naniniwala rin silang ito ay maghahatid ng mas maraming benepisyo sa daigdig.

 

Samantala, nananalig naman ang 85.2% na mapapanatili ng kabuhayang Tsino ang pangmalayuang positibo’t matatag na pag-unlad, at sa pananaw naman ng 73.6%, kaakit-akit ang kapaligirang pangnegosyo ng Tsina para sa mga internasyonal na mamumuhunan.

 

Kasali sa nasabing sarbey ang 9,030 respondent sa buong daigdig, na kinabibilangan ng mga indibiduwal mula sa mga maunlad na bansang gaya ng Amerika, Britanya, Alemanya at Australya, at mga umuunlad na bansang gaya ng Timog Aprika, Argentina, Indonesya, Pakistan, Thailand, Chile at Biyetnam.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio