CMG Komentaryo: sa halip ng pag-atake sa Tsina, dapat salaminin ng ilang Amerikano ang kanilang sarili

2024-02-27 16:22:36  CMG
Share with:

Sa umano’y 2023 Report on China’s WTO Compliance na inilabas kamakailan ng Office of the United States Trade Representative (USTR), ganap na binalewala ng Amerika ang mga hakbangin at malaking pag-unlad na isinagawa ng Tsina para sa pagpapatupad ng World Trade Organization (WTO) accessions, tinangihan ang napakalaking progreso na natamo ng Tsina sa pagsunod, at sinisiraan ang sistemang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina na nagdulot ng malaking hamon para sa pandaigdigang kalakalan.

 


Sa ulat, nagpakalat din ang Amerika ng mga maling impormasyon, na naglalarawan sa mga lehitimong hakbangin sa kalakalan ng Tsina bilang “pang-ekonomiyang pamimilit” at ang mga hakbangin ng Tsina bilang tugon sa panghaharang at panunupil ng Amerika ay “aktibong decoupling.”

 

Gayunpaman, noong 2023, pinangunahan ng Tsina ang pagkumpleto ng text negotiations sa Investment Facilitation Agreement at tinulak ang WTO na tapusin ang mga negosasyon hinggil sa regulasyon ng didyital na kalakalan ng daigdig na lubos na pinahahalagahan ng lahat ng panig.

 

Sapul nang sumali ang Tsina sa WTO, ang pangkalatahang lebel ng taripa ng Tsina ay bumaba mula 15.3% noong taong 2001 hanggang 7.3% noong 2023, at ang mga hakbangin ng Tsina para sa mga Non-tariff Measures na tulad ng Import Quotas System ay kinansela din alinsunod sa mga pangako nito sa WTO.

 


Lubos na pinapatunayan nito na ang mga katotohanan ay hindi lamang komprehensibong isinakatuparan ng Tsina ang mga pangako nito sa pagsali sa WTO, aktibong pinangalagaan din ang regulasyon sa WTO at pinapasulong ang reporma ng pandaigdigang sistemang pangkabuhayan at pangkalakalan, at tunay na isinakatuparan ang multilateralismo. Sa halip na atakehin ang Tsina, mas nanaisin pa ng ilang Amerikano na salaminin ang kanilang sarili.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil