Ika-14 na National Winter Games, ipininid sa Hulun Buir

2024-02-28 15:40:41  CMG
Share with:

Hulun Buir, Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina – Ipininid Martes ng gabi, Pebrero 27, 2024 ang Ika-14 na National Winter Games ng Tsina.

 


Kasali sa nasabing pambansang palaro ang mahigit 3,000 atleta mula sa 35 delegasyon ng buong bansa, at napanalunan ang 99 na medalyang ginto.

 


Itinayo ng kasalukuyang National Winter Games, sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga paligsahan para sa mga karaniwang mamamayan at magkasabay na itinaguyod ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ang halos 300 paligsahan para sa mga mamamayan.

 


Sa pamamagitan ng mga palabas sa seremonya ng pagpipinid, idinispley ang kultura at magandang tanawin ng Inner Mongolia, at inihayag din ang pasasalamat sa mga boluntaryo.

 


Gaganapin sa lalawigang Liaoning sa 2028 ang Ika-15 National Winter Games.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil