Pangulo ng Tsina at Sierra Leone, nagtagpo: sumaksi sa paglagda ng dokumento ng kooperasyon

2024-02-29 16:06:41  CMG
Share with:

Pebrero 28, 2024, Great Hall of the People sa Beijing – Sa kanyang pakikipagtagpo kay dumadalaw na Pangulong Julius Maada Bio ng Sierra Leone, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping, na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng Sierra Leone, para patibayin ang mataas na lebel na pagtitiwalaang pulitikal, pasulungin ang aktuwal na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at pasulungin ang bagong pag-unlad ng relasyong Sino-Sierra Leonean.


 

Ani Xi, malugod na tatanggapin ng Tsina ang Sierra Leone sa Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative, para magkakasamang itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

 

Ipinahayag naman ni Julius Maada Bio na nakahanda ang kanyang bansa na pag-aralan ang karanasan ng Tsina; palakasin ang pakikipagkooperasyon sa pagtatatag ng “Belt and Road Initiative;” at palawakin ang bagong espasyo ng kooperasyong kinabibilangan ng imprastruktura, kalakalan, edukasyon, serbisyo-publiko, at iba pa.

 

Ito aniya ay para maghatid ng bagong sigla sa tradisyonal na pagkakaibigan ng Sierra Leone at Tsina, at pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Matapos ang pag-uusap, sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa mga dokumento ng bilateral na kooperasyon hinggil sa magkakasamang pagtatatag ng BRI, agrikultura, pag-unlad ng kabuhayan, pagsasakatuparan ng Global Development Initiative, at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio