Aktuwal at epektibong kooperasyon, isasagawa ng Tsina at Sierra Leone

2024-02-29 16:08:49  CMG
Share with:

Sa pakikipagtatagpo, Pebrero 28, 2024, sa Great Hall of the People, Beijing, kay dumadalaw na Pangulong Julius Maada Bio ng Sierra Leone, tinukoy ni Premiyer Li Qiang, na nakahandang palakasin ng Tsina ang estratehikong pakikipag-ugnay sa Sierra Leone, at isagawa ang aktuwal at epektibong kooperasyon, para ipagkaloob ang suporta sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Sierra Leone. 

Ani Li, patuloy na ipapadala ng Tsina ang mga dalubhasa ng teknolohiyang agrikultural para tulungan ang Sierra Leone sa pagpapalago ng mga mabuting pananim at sanayin ang mga teknikal na talento, at pasulungin ang malalim at aktuwal na kooperasyong agrikultural ng dalawang bansa. 


Nakahanda ang Tsina na mag-angkat ng mas maraming dekalidad na produkto ng Sierra Leone at i-enkorahe ang mga kompanyang Tsino na dagdagan ang pamumuhunan sa bansa, saad ni Li.


Umaasa rin aniya ang Tsina, napatuloy na ipagkakaloob ng Sierra Leone ang mainam na kapaligiran ng negosyo para sa mga kompayang Tsino. 


Aniya, nais ng Tsina, kasama ng Sierra Leone, na lalo pang palakasin ang pagpapalitang tao-sa-tao sa pagitan ng mga kabataan ng dalawang bansa at sa mga larangang gaya ng kultura, edukasyon, pagsasanay-medikal at kalusugan, upang patibayin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. 


Ipinahayag naman ni Julius Maada Bio na nakahanda ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagkoordinasyon sa Tsina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig para pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng buong mundo. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio