Habang nangungulo sa isang group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) Huwebes, Pebrero 29, 2024, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa ang aktibong pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng bagong enerhiya sa Tsina, upang gawin ang mas malaking ambag sa pagtatatag ng isang malinis at kaaya-ayang daigdig.
Diin ni Xi, ang seguridad ng enerhiya ay nakakaapekto sa pangkalahatang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng isang bansa, at ang pagpapaunlad ng malinis na enerhiya at pagpapasulong sa berde’t mababang karbon na transpormasyon ay nagsilbing komong palagay ng komunidad ng daigdig sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Kinakaharap pa rin ng pag-unlad ng enerhiya ng Tsina ang isang serye ng mga hamon, na gaya ng presyur ng napakalaking pangangailangan, mga hadlang sa suplay, at napakahirap na tungkulin ng berde’t mababang karbon na transisyon, dagdag niya.
Ang lunas sa pagharap sa mga hamong ito ay puspusang pagpapaunlad ng bagong enerhiya, ani Xi.
Diin niya, masagana ang Tsina sa wind power, photovoltaic, at iba pang yaman, at napakalaki ng nakatagong lakas ng pagpapaunlad ng bagong eneriya.
Nabuo aniya ng bansa ang pinakamalaking sistema ng suplay ng malinis na kuryente sa daigdig, at mataas din ang kakayahang kompetetibo ng sasakyang gamit ang bagong enerhiya, lithium batteries at photovoltaic products ng Tsina sa merkadong pandaigdig.
Ipinagdiinan din ni Xi ang pagpapalalim ng kooperasyong pandaigdig sa inobasyon ng siyensiya’t teknolohiya ng bagong enerhiya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil