Mahigit 2 milyong person-time na pasahero, napagserbisyuhan ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway

2024-03-04 15:10:58  CMG
Share with:

 Ayon sa China Railway International Croup Co, Ltd, umabot sa 17,298 pasahero ang naihatid kahapon, Marso 3, 2024 ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway.

 

Samantala, higit naman anito sa 2 milyong person-time ang kabuuang bilang ng pasaherong napagserbisyuhan ng nasabing daambakal.

 

Pormal na naisaoperasyon ang Jakarta-Bandung High-Speed Railway noong Oktubre 17, 2023.

 

Hanggang sa kasalukuyan, nasa 40 kada araw ang bilang ng mga tren na tumatakbo sa daambakal, mula sa 14 nang magsimula ito ng operasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio