Mga tagapayong pulitikal, binisita ni Xi Jinping (updated)

2024-03-06 16:45:45  CMG
Share with:


Bumisita, Miyerkules, Marso 6, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga pambansang tagapayong pulitikal na kalahok sa isang joint group meeting sa Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).

 

Sumali siya sa talakayan ng mga tagapayo mula sa Rebolusyonaryong Komite ng Chinese Kuomintang, sektor ng agham at teknolohiya, at sektor ng kapaligiran at yaman.

 

Pinakinggan din niya ang kanilang mga kuru-kuro at mungkahi.

 


Hinimok ni Xi ang mga tagapayo mula sa magkakaibang partidong pulitikal, organisasyon, etnikong grupo, sektor, at lahat ng sangay ng lipunan, na malalimang pag-aralan ang mahahalagang estratehikong tungkuling iniharap ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at planong ginawa sa Central Economic Work Conference, at aktibong iharap ang sariling mungkahi.

 

Sa bisperas ng International Women's Day, ipinaabot din niya ang pagbati sa mga kababaihan ng lahat ng etnikong grupo mula sa iba’t-ibang sangay ng lipunan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio