Sa kanyang paglahok, Marso 5, 2024 sa pagsusuri ng mga deputado ng lalawigang Jiangsu sa Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), pambansang lehislatura ng Tsina, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na dapat gawing priyoridad ang de-kaliad na pag-unlad, at paunlarin ang makabagong kalidad na puwersang produktibo, alinsunod sa mga kondisyong lokal.
Hinimok niya ang lahat na pag-ibayuhin ang inobasyon, paramihin at palakasin ang mga bagong sibol na industriya, tanggapin ang mga forward-thinking na plano para sa pagpapaunlad ng mga future-oriented industry, at kumpletuhin ang modernong sistemang industriyal.
Aniya, ang pagpapaunlad ng makabagong kalidad na puwersang produktibo ay hindi nangangahulugan ng pagbalewala at pagtakwil sa mga tradisyonal na industriya, at kailangang iwasan ang paggamit ng iisang modelo ng pag-unlad.
Pinahalagahan din ni Xi ang mga makabagong progreso at bunga ng pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan ng lalawigang Jiangsu.
Nanawagan siya sa mga opisyal ng lalawigan na ganap na sumanib at magbigay-ambag sa pag-unlad ng Yangtze Economic Belt at integradong pag-unlad ng Yangtze River Delta, at palakasin ang sinerhiya sa ibang rehiyonal na estratehiyang pangkaunlaran at mga pangunahing rehiyonal na estratehiya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio