Dumalo, Marso 5, 2024, ang matataas na lider ng Tsina na kinabibilangan nina Li Qiang, Zhao Leji, Wang Huning, Ding Xuexiang, Li Xi, at Han Zheng sa deliberasyon ng Ika-2 Sesyon ng Ika-14 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), pambansang lehislatura ng bansa.
Sa kanyang paglahok sa deliberasyon ng mga deputado ng lalawigang Yunnan, binigyan-diin ni Premiyer Li Qiang ng Tsina na dapat lubos na gamitin ng probinsya ang bentahe at katangian nito para mas mabuting makoordina ang pambansang estratehiya sa rehiyonal na pag-unlad.
Samantala, sa kanyang pagsali sa deliberasyon ng mga deputado ng lalawigang Sichuan, hiniling ni Tagapangulo Zhao Leji ng Pirmihang Lupon ng NPC, ang pagsasakatuparan ng desisyong ginawa ng Komite Sentral ng CPC ayon sa aktuwal na kondisyon, para pasulungin ang modernisasyong Tsino.
Lumahok si Wang Huning, Tagapangulo ng Pambansang Lupon ng Konsultatibong Pulitikal ng Tsina (CPPCC), sa deliberasyon ng mga deputado ng lalawigang Guizhou.
Nanawagan siya para sa komprehensibong pagsasakatuparan ng desisyong ginawa ng Komite Sentral ng CPC, at magsikap para pasulungin ang modernisasyong Tsino.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio