Hangga’t may kooperasyong may mutwal na kapakinabangan ang Tsina at Europa, hindi matatagumpay ang bloc confrontation – ministrong panlabas ng Tsina

2024-03-07 17:19:49  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 7, 2024, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na hanggat iginigiit ng Tsina at Europa ang kooperasyong may mutwal na kapakinabangan, hindi magtatagumpay ang anumang pagtatangka para sa bloc confrontation; hanggat isinasagawa ng Tsina at Europa ang pagbubukas at win-win na kooperasyon, hindi mananaig ang deglobalisasyon.

 


Umaasa aniya ang Tsina na maayos na magpapatuloy ang relasyon ng dalawang panig, at magkakaroon ng berdeng ilaw sa bawat krus-na-daan.

 

Kailangang ang Tsina at Europa ay maging tagapagpaganap ng multilateralismo, tagapagtaguyod ng pagbubukas at pag-unlad, at tagapagpasulong ng kultural na diyalogo, ani Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio