Pangmamaliit sa Tsina ay magreresulta sa pinsala sa sarili, at ang miskalkulasyon ay magbubunsod ng pagkasayang ng pagkakataon sa pag-unlad – Wang Yi

2024-03-07 12:11:32  CMG
Share with:

Inilahad, Marso 7, 2024 ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na noong nagdaang taon, 1/3 bahagi ang ini-ambag ng Tsina sa kabuhayang pandaigdig sa pamamagitan ng 5.2% paglago ng sariling kabuhayan.

 

Ipinagdiinan niyang nananatiling malakas ang makina ng pag-unlad ng Tsina, at ang susunod na Tsina ay walang iba kundi, Tsina pa rin.

 


Dagdag ni Wang, hindi maipapatupad ng Tsina ang sariling kaunlaran kung walang daigdig, at hindi rin maipapatupad ng daigdig ang kaunlaran kung walang Tsina.

 

Ang pangmamaliit sa Tsina ay tiyak na magreresulta sa pinsala sa sarili, at ang miskalkulasyon sa Tsina ay magbubunsod ng pagkasayang ng pagkakataon sa pag-unlad, aniya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio