Tsina sa mga bansa sa labas ng rehiyon: huwag magsulsol ng kaguluhan sa South China Sea

2024-03-07 11:54:56  CMG
Share with:


Kaugnay ng isyu ng South China Sea, inihayag Huwebes, Marso 7, 2024 ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na sa harap ng sinasadyang paglapastangan sa karapatan ng Tsina, lehitimong pangangalagaan ng bansa ang sariling karapatan alinsunod sa batas, at napapanahong gaganti sa mga walang katuwirang probokasyon.

 

Hinihimok aniya ng Tsina ang mga bansa sa labas ng rehiyon na huwag magsulsol ng kaguluhan, at huwag manggulo sa South China Sea.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio