De-kalidad na pagbubukas ng pinansiya, patuloy na isusulong – gobernador ng bangko sentral ng Tsina

2024-03-07 10:53:12  CMG
Share with:

Ipinahayag, Miyerkules, Marso 6, 2024 ni Pan Gongsheng, Gobernador ng People’s Bank of China, ng bangko sentral ng bansa, na patuloy na pasusulungin ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas ng pinansiya.

 

Ipo-promote rin aniya ang pagiging malinis at maasahan ng mga patakaran nito.

 

Sinabi pa ni Pan, na ibayo pang palalawakin ng Tsina ang pagbubukas ng serbisyong pinansiyal at merkadong pinansiyal, pabubutihin ang kapaligiran ng negosyo para sa mga dayuhang institusyong pinansiyal at palalakasin ang kakayahan sa paghihikayat ng dayuhang institusyong pinansiyal at pangmatagalang pondo.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio