Mga mataas na lider ng Tsina, lumahok sa deliberasyon sa taunang lehislatibong sesyon

2024-03-08 17:22:16  CMG
Share with:

Lumahok Marso 7, 2024, sina Wang Huning at Ding Xuexiang, mga miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa deliberasyon ng Ika-2 Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, punong lehislatura ng bansa.

 

Si Wang, Tagapangulo ng Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayo ng bansa, ay lumahok sa deliberasyon kasama ng mga deputado ng NPC mula sa delegasyon ng Taiwan.

 

 

Sa deliberasyon, sinabi ni Wang na sa ilalim ng malakas na pamumuno ng Komite Sentral ng CPC, kasama si Komrad Xi Jinping bilang ubod nito, naging epektibo ang mga gawain sa nakalipas na taon sa pangangalaga ng katatagan ng Taiwan Straits at pagpapalakas ng estratehikong inisyatiba para sa reunipikasyon ng Tsina.

 

Binigyan-diin din niya ang kahalagahan ng walang pag-aalinlangan sa pagpapasulong ng nasyonal na reunipikasyon, at mahigpit na tinututulan ang separatistang hakbangin tungo sa “pagsasarili ng Taiwan” at panghihimasok ng mga puwersang panlabas.

 

Lumahok naman si Pangalawang Premyer Ding Xuexiang sa deliberasyon ng delegasyon ng mga deputado ng NPC mula sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Macao SAR.

 

Sinabi niyang ang bagong progreso ay ginagawa sa proseso ng pagsasakatuparan ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema.” Ang Hong Kong ay pumasok sa bagong yugto kung saan napanumbalik ang kaayusan at nakatakdang umunlad, at napanatili ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng kapuwa Hong Kong at Macao sa kanilang matatag na pag-unlad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil