CMG Komentaryo: Tsina, aktibong nagpapasulong ng pagiging mas maganda ng daigdig

2024-03-08 13:42:20  CMG
Share with:

Sa katatapos na news briefing sa sidelines ng ika-2 sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, punong lehislatura ng bansa, sinagot ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga tanong ng mga mamamahayag sa loob at labas ng Tsina, hinggil sa relasyon ng  malalaking bansa, mainit na isyung panrehiyon at pangangasiwang pandaigdig.


Ang mga kasagutan ni Wang ay nagpapakita ng isang maliwanag na signal sa komunidad ng daigdig na ang Tsina ay matatag at buong sikap na nagpapasulong ng katatagan, kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.


Kaugnay ng mga mainit na isyung pandaigdig, ipinahayag ni Wang na ang ang paninindigang Tsino sa paglutas sa mga isyung ito ay kinabibilangan ng hindi pakikialam sa mga suliraning panloob, paggigiit ng pulitikal na paglutas, paggigiit sa katarungan at pagiging obdiyektibo.


Sa kasalukuyan, masalimuot ang kalagayang pandaigdig dahil sa unilateralismo at proteksyonismo na isinasagawa ng mga kanluraning bansa.


Kaugnay ng pangangasiwang pandaigdig, ang paninindigang Tsino ay pagtatatag ng maayos at pantay na multi-polarization ng daigdig at globalisasyon ng kabuhayan na may pagbibigyan at preperensiya sa lahat.


Kaya, palagiang iginigiit ng panig Tsino na hindi isagawa ang camp confrontation, unilateralismo at proteksyonismo at dapat sundin ang sistemang pandaigdig na may nukleo ang United Nations para isakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan.


Upang pasulungin ang pag-unlad ng daigdig, ipinahayag ng panig Tsino na dapat itatag ang bukas na sistemang pangkabuhayan ng daigdig.


Ipinatalastas ni Wang sa news briefing na mula Marso 14, ibayo pang isasagawa ng Tsina ang pilot ng visa free sa Switzerland, Ireland, Hungary, Austria, Belgium at Luxembourg para ipakita ang determinasyon ng Tsina sa patuloy na pagbubukas sa labas.


Hinahangad din ng panig Tsino na maging mas maganda ang buong daigdig at ito rin ay responsibilidad ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Jade