1,300 tatak na Tsino at dayuhan, kalahok sa Ika-14 na Beijing International Hospitality, Catering & Food Beverage Expo

2024-03-15 15:40:44  CMG
Share with:

Idinaraos mula Marso 15 hanggang 17, 2024 sa China International Exhibition Center, Beijing, ang ika-14 na Beijing International Hospitality, Catering & Food Beverage Expo. 


Layon nitong  lumikha ng mga plataporma ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang panig sa industriya ng catering mula sa loob at labas ng Tsina. 


Ang exhibition center na may kabuuang 60,000 metro kuwadrado, ay nilalahukan ng 1,300 domestiko at dayuhang tatak.  Kabilang dito ang mga sangkap ng catering, pagkaing-dagat, pampalasa, pinalamig na pagkain o frozen food, smart catering, restaurant chain, food packaging, alak at inumin, pati na rin ang mga kagamitan at suplay ng catering. 


Tampok sa expo ang mga pinakabagong produkto, makabagong teknolohihya, at tunguhin ng pag-unlad ng industriya ng catering sa buong kadena ng suplay. Inaasahan na makakatanggap ang tatlong araw na expo ng mahigit 100,000 bisita mula sa kadena ng industriya ng hotel at catering galing sa iba’t bahagi ng mundo para sa pakikipagpalitan ng mga ideya at pagpapasulong ng pagtutulungan. 


Magbibigay rin ito ng suporta sa mga exhibitor, mamumuhunan at mamimili para tuklasin ang mga bagong pagkakataon sa negosyo at makamit ang higit pang pakikipagtulungan sa kalakalan.



Mga exhibitor at itinitindang produkto

Mga bisitang tumitikim ng ibinebentang produkto


Bukod dito, ang expo ay nag-organisa din ng patimpalak para ipakita ang mga natatanging galing at talento ng mga pinakamahuhusay na chef mula sa iba’t ibang korporasyon, establisyimento, hotel, atbp ng bansa pagdating sa larangan ng pagluluto. 


Mga kalahok na chef 


Ulat/Larawan: Ramil Santos

Patnugot sa nilalaman: Jade

Patnugot sa website: Jade