Naglalakbay-suri ngayon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa lalawigang Hunan sa gitnang bahagi ng bansa.
Ito ang ikaaapat na paglalakbay-suri ni Xi sa Hunan. Mahalaga ang kasalukuyang pagbisita niya, pati na rin ang mga nakaraan, dahil ang Hunan ay isang lalawigan sa Tsina na mahalaga sa kabuhayan, industriya, agrikultura, at iba pang mga aspekto.
Sa kanyang unang paglalakbay-suri sa Hunan noong 2013, iniharap ni Xi sa kauna-unahang pagkakataon ang ideya ng naka-target na pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, na mahalaga para sa usapin ng pagpawi ng kahirapan sa Tsina.
Sa ikalawang beses naman noong 2018, naglakbay si Xi sa Hunan para suriin ang pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt, kung saan ang lalawigang ito ay isang bahagi ng programang ito.
Noong 2020, pumunta si Xi sa Hunan para sa ikatlong paglalakbay-suri. Ipinatawag niya ang isang talakayang nilahukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, para pakinggan ang kani-kanilang mga palagay at mungkahi tungkol sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Hiniling din niya sa lalawigang ito na gawin ang mga bagong hakbangin para sa pagtataguyod sa de-kalidad na pag-unlad.
Ngayon, makakapagtamo rin ng bunga ang ikaapat na paglalakbay-suri ni Xi sa Hunan, para ibayo pang pasulungin ang kabuhayan at lipunan sa lokalidad.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos