Edisyong Ingles ng mga piniling akda ni Xi Jinping, inilathala

2024-03-11 23:15:36  CMG
Share with:

 

Ang edisyong Ingles ng unang dalawang volume ng "Mga Piniling Babasahin mula sa mga Akda ni Xi Jinping" ay inilathala kamakailan ng Foreign Languages Press ng Tsina at ipinamahagi sa loob at labas ng bansa.

 

Ang naturang mga aklat ay binubuo ng mga akda ni Xi mula Nobyembre 2012 hanggang Oktubre 2022.

 

Sa pamamagitan ng edisyong Ingles, mas mabuting mauunawaan ng mga dayuhang mambabasa ang kaisipan ni Xi sa sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon.

 

Makakatulong din ito sa pagkaunawa ng komunidad ng daigdig sa modernisasyong Tsino at modernong sibilisasyon ng nasyong Tsino.


Editor: Liu Kai