Ang aktuwal na pagsisikap, hiniling ng Pangulong Tsino para pasiglahin ang sentral na rehiyon ng bansa

2024-03-21 15:56:38  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Marso 20, 2024 sa isang simposyum hinggil sa lalo pang pagpapasigla ng sentral na rehiyon ng Tsina sa makabagong panahon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang magsikap ang lahat para isulong ang sentral na rehiyon ng bansa sa isang mas mataas na punto ng pagsisimula.

 

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa  simposyum hinggil sa lalo pang pagpapasigla ng sentral na rehiyon ng Tsina  (photo from Xinhua)

Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng sentral na rehiyon bilang base para sa produksyon ng trigo, enerhiya at mga hilaw na materyales; modernong kagamitan at pagmamanupaktura ng industriya ng mataas na teknolohiya; at komprehensibong hub ng transportasyon.

Nanawagan din siya para sa pagkakaisa at pagsusulong ng de-kalidad ng pag-unlad, at pagsusulat ng bagong kabanata sa pagpapalakas ng sentral na rehiyon sa proseso ng pag-unlad ng modernisasyong Tsino.

Dumalo rin sa simposyum sina: Li Qiang, miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitiburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Premyer Tsino; Cai Qi, miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitiburo ng Komite Sentral ng CPC at Director ng Heneral na Tanggapan ng Komite Sentral ng CPC; at Ding Xuexiang, miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitiburo ng Komite Sentral ng CPC at Bise Premyer ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio