4 na suspek sa atake sa Moscow, kinasuhan

2024-03-25 16:32:42  CMG
Share with:

Ang apat na indibidwal na direktang sangkot sa pagsalakay sa concert hall sa Moscow ay sinampahan ng kaso ng terorismo, ayon sa ulat ng lokal na media, Marso 25, 2024.

 

Inilagay ng pandistritong korte ng Moscow ang apat na suspek, na kinilalang mga mamamayan ng Tajikistan, sa pre-trial detention.

 

Mananatili silang nakapiit hanggang Mayo 22.

 

Matatandaang walang habas na pinaputukan, Biyernes ng gabi, Marso 22 ng mga armadong lalaki ang mga manonood sa Crocus City Hall sa Moscow, kung saan, hindi bababa sa 137 katao ang namatay.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio