Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nakipagtagpo sa PM Roosevelt Skerrit ng Dominica

2024-03-26 16:25:15  CMG
Share with:

Nakipagtagpo hapon ng Marso 25, 2024, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Roosevelt Skerrit, dumadalaw na Punong Ministro ng Commonwealth of Dominica.

 

Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministrong Roosevelt Skerrit ng Commonwealth of Dominica (photo from Xinhua)


Binigyan-diin ni Xi na malugod na tinatanggap ng Tsina ang Dominica na sumasakay sa express train ng modernisayong Tsino at palawakin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng ekonomiya at kalakalan, konstruksyon ng imprastruktura, agrikultura, medisina at kalusugan.

 

Aniya, nakahanda ang Tsina na patuloy na ipagkaloob ang tulong sa loob ng kapasidad nito para sa pag-unlad ng ekonomiya at lipunan ng Dominica, palawakin ang pakikipagpalitang tao-sa-tao sa Dominica, at malugod na tanggapin ang mas maraming batang estudyante ng Dominica sa Tsina.

 

Dagdag pa niya, dapat magkasamang itatag ng dalawang panig ang Confucius Classroom sa Dominica State College at galugarin ang kooperasyon sa bokasyonal at teknikal na pagsasanay sa Dominica.

 

Diin ni Xi, binibigyang-halaga ng Tsina ang relasyon sa mga bansang Caribbean at handang patuloy na suportahan ang mga bansang Caribbean sa pagpapasulong ng pambasang kaunlaran at pagpapabuti ng kagalingan ng mga tao.

 

Ipinahayag naman ni Roosevelt Skerrit ang kanyang pasasalamat sa Tsina para sa walang humpay na suporta nito sa mga mamamayan ng Dominica at sa agarang pagkakaloob ng tulong nito sa panahon ng COVID-19.

 

Buong tatag aniyang sinusuportahan ng Dominica ang prinsipyong isang-Tsina, sinusuportahan ang pagsasakatuparan ng ganap na reunipikasyon ng Tsina, at tinututulan ang anumang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Inaasahan din ng Dominica ang pagpapalalim ng komunikasyon at koordinasyon sa Tsina sa mga usaping pandaigdig, aktibong isakatuparan ang serye ng mga pandaigdigang inisyatiba, magkatuwang na pangalagaan ang internasyunal na katarungan at gumawa ng mga positibong ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlarang pandaigdig, saad pa niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil