Pangulo ng Tsina at Honduras, nagpadala ng mensahe bilang pagdiriwang sa pagkakatatag ng relasyong diplomatiko

2024-03-26 14:53:14  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Marso 26, 2024 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Iris Castro Sarmiento ng Honduras, ng mensahe sa isa’t isa bilang pagdiriwang sa unang anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Sa kanyang mensahe, hinangaan ni Xi ang paggigiit ng Honduras sa prinsipyong isang-Tsina.

 

Idiniin ni Xi na lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at nakahandang palawakin, kasama ni Pangulong Castro, ang komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa para makalikha ng mas magandang kinabukasan ang dalawang bansa.

 

Ipinahayag naman ni Castro na ang Tsina ay mahalagang kaibigan ng kanyang bansa at matatag na iginigiit ng Honduras ang prinsipyong isang-Tsina.

 

Kasama ng panig Tsino, nakahanda ang Honduras na pasulungin ang bilateral na relasyong nagsasarili at paggalang sa isa’t isa, dagdag pa niya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil