(Updated), Xi Jinping at Dinesh Gunawardana, nagtagpo

2024-03-28 10:51:41  CMG
Share with:

 

Sa pagtatagpo, Marso 27, 2024 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Dinesh Gunawardana ng Sri Lanka, sinabi ni Xi na matatag ang pagkatig ng Tsina sa pangangalaga ng pambansang soberanya, pagsasarili at dignidad ng Sri Lanka.

 

Sa abot ng makakaya, patuloy aniyang ipagkakaloob ng Tsina ang tulong sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Sri Lanka.

 

Sinabi ni Xi na kailangang magkasamang magsikap ang dalawang bansa para pasulungin ang de-kalidad na konstruksyon ng kooperasyon sa Belt and Road.

 

Patuloy na palalawakin ng Tsina ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa Sri Lanka at i-e-enkorahe ang mga kompanyang Tsino na mamuhunan sa Sri Lanka, saad pa ni Xi.

 

Ipinahayag naman ni Gunawardana ang matatag na paggigiit ng Sri Lanka ang prinsipyong isang-Tsina.

 

Saad pa niya, aktibong lalahok ang kanyang bansa sa Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Civilization Initiative na iniharap ni Pangulong Xi.

 

Kasama ng Tsina, pasusulungin aniya ng Sri Lanka ang kooperasyon sa Belt and Road at palalawakin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa kabuhayan at kalakalan, edukasyon, turismo, pagpawi ng kahirapan, at iba pang mga larangan.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio