(Updated) Pangulong Tsino at Punong Ministro ng Netherlands, nagtagpo

2024-03-28 10:44:32  CMG
Share with:

 

Sa pagtatagpo, Marso 27, 2024 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Mark Rutte ng Netherlands, tinukoy ni Xi na handang palawakin ng Tsina ang pag-aangkat ng mga de-kalidad na produkto ng Netherlands at welkam na mamuhunan sa bansa ang mga kompanyang Olandes.

 

Umaasa aniya siyang ipagkakaloob ng Netherlands ang pantay at malinaw na kapaligiran ng komersyo para sa mga kompanyang Tsino.

 

Dagdag ni Xi, kailangang aktibong pasulungin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa agrikultura, tubig, enerhiya, AI, at berdeng pag-unlad.

 

Palagian at patuloy na igigiit ng Tsina ang ideyang may mutuwal na kapakinabnagan at win-win na situwasyon, at palalawakin ang de-kalidad na pagbubukas sa labas, aniya pa.

 

Sinabi niyang nananatiling sustenable at matatag ang patakaran ng Tsina sa Europa at umaasa siyang gaganap ng positibong papel ang Netherlands sa pagpapasulong ng pagkakaunawaan at konstruktibong relasyong Sino-Europeo.

 

Ipinahayag naman ni Rutte na ang de-coupling ay hindi magiging patakaran ng kanyang bansa.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda aniya ang Netherlands na sustenableng palalimin ang partnership, padaliin ang pagpasok-labas ng mga mamamayan sa kani-kanilang bansa, at pahigpitin ang kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at pagbabawas ng emisyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio