Pinanguluhan, Marso 29, 2024, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang isang pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, kung saan sinuri ng liderato ng partidong ito ang komprehensibong ulat tungkol sa ikalawang round ng misyon ng inspeksyong disiplinaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC.
Ayon sa pulong, sapul nang buuin noong 2022 ang Ika-20 Komite Sentral ng CPC, isinagawa ng dalawang round ang misyon ng inspeksyong disiplinaryo at sinasaklaw nito ang lahat ng mga bahay-kalakal na pagmamay-ari ng estado na nasa ilalim ng pangangasiwa ng sentral na pamahalaan.
Kaugnay nito, sinabi ni Xi, na ang mga bahay-kalakal na pagmamay-ari ng estado ay mahalagang bahagi ng sosyalismong may katangiang Tsino at mahalaga rin ang mga ito para sa de-kalidad na pag-unlad ng Tsina.
Hiniling niyang malalim na pag-aralan at lutasin ang mga isyung natuklasan sa mga inspeksyong disiplinaryo, para ibayo pang kumpletuhin at pabutihin ang mga sistema at mekanismo ng mga bahay-kalakal na pagmamay-ari ng estado.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos