Isinumite kamakailan ng mga nakatataas na opisyal ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang kani-kanilang ulat sa gawain sa Komite Sentral ng CPC at kay Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng CPC.
Kabilang sa naturang mga opisyal ay mga miyembro ng Pulitburo at Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC, mga miyembro ng mga namumunong grupo ng Party members sa Pirmihang Komite ng Pambansang Kongresong Bayan, Konseho ng Estado, at Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, at mga kalihim ng mga namumunong grupo ng Party members sa Kataas-taasang Hukumang Bayan at Kataas-taasang Prokuraturang Bayan.
Pagkaraang suriin ang kani-kanilang ulat, hiniling ni Xi sa naturang mga opisyal, na ipokus ang pagpapasulong ng modernisasyong Tsino, mas mahusay na isabalikat ang mga responsibilidad sa gawain, palakasin ang pagtalima sa pulitikal na pananagutan, at ibuhos ang pagsisikap para sa pagbuo ng malakas na Tsina at pagbangon ng nasyong Tsino.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan