1,000 satellite kada taon, gagawin ng Tsina

2024-04-07 16:40:43  CMG
Share with:

Naghahanda ang lalawigang Hainan, sa timog Tsina upang itayo ang isang pasilidad sa pagmamanupaktura ng satellite.

 

Spectators wait for a rocket launch at a beach in Wenchang City, Hainan Province, March 20, 2024. /CPF


Sa sandaling matapos, ang mga linya ng asembleya nito ay magiging katulad ng sa pabrika ng sasakyan.

 

Ito ay magdudulot ng malaking bentahe sa pagbawas ng gastos sa mga proyektong pangkalawakan at pagsulong ng komersyal na industriya ng kalawakan sa Tsina.

 

Ayon kay Liu Botao, punong inhinyero ng fixed assets construction sa Beijing Institute of Spacecraft Environment Engineering, tinatayang aabot sa 1,000 ang bilang ng taunang produksyon ng mga satellite.

 

Bukod dito, itatayo ang pagawaan malapit sa mga launch pad sa dakong hilagang silangan sa lunsod Wenchang ng lalawigang Hainan para pababain ang gastos ng transportasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio