GDP ng Tsina, lalaki sa 5.3% sa 2024 – ulat ng AMRO

2024-04-08 16:27:34  CMG
Share with:

Ayon sa ASEAN+3 Regional Economic Outlook 2024 na ipinalabas Abril 8, 2024, ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO), may pagasang aabot sa 5.3 porsyento ang paglaki ng GDP ng Tsina sa 2024.

 

Ayon pa sa AMRO, aabot naman sa 4.5 porsyento ang paglaki ng ekonomiya ng ASEAN+3 sa taong ito, mula sa 4.3 porsyento noong 2023.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio