GDP ng Tsina noong 2023, lumago ng 5.2%

2024-01-17 15:02:07  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina Miyerkules, Enero 17, 2024, ipinakikita ng inisyal na kalkulasyon na lumampas sa 126 trilyong yuan RMB ang gross domestic product (GDP) ng bansa noong 2023, at ito ay lumago ng 5.2% kumpara noong 2022.

 

Samantala, mahigit 695 milyong tonelada ang kabuuang output ng pagkaing-butil sa buong bansa noong isang taon. Ito ay 8.88 milyong toneladang mas mataas kaysa noong 2022, na lumaki ng 1.3%.

 

Tumaas ng 0.2% ang consumer price index (CPI) sa buong taong 2023 kumpara noong 2022.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil