Queqiao-2 relay satellite para sa paggalugad ng buwan sa hinaharap, matagumpay nai-deploy ng Tsina

2024-04-12 17:00:35  CMG
Share with:

Ayon sa balita Abril 12, 2024, ng China National Space Administration (CNSA), nakumpleto kamaikailan ng Queqiao-2 satellite ang mga pagsubok ng in-orbit communication, at normal na gumagana ang platform at mga payload nito.

 

Sinabi ng CNSA na isang ganap na matagumpay ang pagkamit ng punsyon at mga pagganap ng Queqiao-2 para matugunan ang mga kahilingan sa misyon, at maaaring ipagkaloob nito ang serbisyo ng relay communication para sa ikaapat na yugto ng proyekto ng paggalugad sa buwan ng Tsina, at mga misyon ng paggalugad sa buwan sa hinaharap ng Tsina at iba pang mga bansa.

 

Inilunsad noong Marso 20 ang Queqiao-2 at pumasok sa target nitong highly elliptical orbit noong Abril 2.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil