CMG Komentaryo: Alamin ang tunay na kalagayan ng kabuhayang Tsino

2024-04-17 14:37:56  CMG
Share with:

“Kasabay ng pagdaragdag ng Tsina ng laang-gugulin sa inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya at pagpapaunlad ng bagong kalidad ng produktibong puwersa, posibleng maisasakatuparan ng bansa ang inaasahang paglaki ng kabuhayang Tsino. Nananabik kami sa sustenableng paglaki ng kabuhayang Tsino.”


Ito ang winika Abril 15, 2024 ni Trade Counselor Joseph Keating ng Embahada ng Ireland sa Tsina sa ika-4 na China International Consumer Products Expo (CICPE) na kasalukuyang ginaganap sa Hainan.


Nakilahok sa ekspong ito ang mahigit 4,000 tatak mula sa 71 bansa’t rehiyon ng buong mundo, at naging napakabuting pagpapakita ng pagbangon ng kabuhayang Tsino.


Ayon sa datos na inilabas Abril 16 ng panig opisyal ng Tsina, lumaki ng 5.3% ang kabuhayan ng bansa kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Hinggil dito, magkakasunod na inihayag ng mga dayuhang media na nahigitan ng Tsina ang pagtaya.


Kasabay ng pagpapalabas ng nasabing datos, dumadalaw ngayon sa bansa si Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya, kasama ang mga namamahalang tauhan ng mga kompanyang Aleman na tulad ng Siemens, BMW, at Mercedes-Benz.


Ayon sa media ng Alemanya, para sa pamahalaan at mga kompanyang Aleman, napakahalagang merkado ang Tsina.


Sinipi rin ng media ng Hong Kong ang opinyon ng isang eksperto na nagsasabing ipinahihiwatig ng biyahe ni Scholz sa Tsina na nais alamin ng Alemanya at Unyong Europeo (EU) ang tunay na kalagayan ng kabuhayang Tsino.


Ang naturang datos ng kabuhayang Tsino noong unang kuwarter ng taong ito ay ang sagot sa kanilang katanungan.


Una, nananatiling isang tampok ng kabuhayang Tsino ang masiglang konsumo na nagpapakita ng napakalaking potensyal ng merkado.


Noong unang kuwarter ng taong ito, lumaki ng 4.7% ang kabuuang halaga ng tingian ng consumer goods, at 10% ang itinaas ng tingian ng serbisyo ng bansa kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.


Samantala, patuloy na pinatataas ang konsumo ng mga residente.


Ikalawa, dinadala ng bagong kalidad na produktibong puwersa ang bagong panulak sa kaunlaran.


Ayon sa media ng Kambodya kamakailan, ang mataas na teknolohiya ay may mataas na episiyensya, at de-kalidad ang pag-unlad ng bagong kalidad na produktibong puwersa na kakaiba sa tradisyonal na porma ng paglaki ng kabuhayan.


Noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, lumaki ng 7.5% ang value-added ng high-tech manufacturing industries above designated size kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Bukod pa riyan, ang didyital na ekonomiya ay mahalagang bahagi ng mga dokumentong pangkooperasyong nilagdaan ngayon ng Tsina at iba pang mga bansa.


Ang pagpapaunlad ng Tsina sa bagong kalidad na produktibong puwersa ay hindi lang nakakapagpasulong sa sariling kabuhayan, kundi nagkakapagkaloob ng bagong lakas sa paglaki ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.


Ikatlo, ang inaasahan at direksyon ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino ay isa pang malaking bentahe nito.


Tungkol sa mga pananalita at teoryang dumudungis sa kabuhayang Tsino, ibinigay ng katotohanan ang ganap na kontra-resulta.


Sa ngayon, isa nang katotohanan ang “pagbangon at pagbuti” ng kabuhayang Tsino noong unang kuwarter ng 2024.


Salin: Lito

Pulido: Rhio